Joy
Magandang katanungan yan kabayan! Isa rin akong OFW dito sa KSA at maaari kong masagot ang iyong katanungan.
May mga pagkakataon na ang isang OFW na kristiyano ay lumipat agad ng relihiyon nya kung:
1. Ginagamit nya ang relihiyong Islam para sa masabing siya ay isang Muslim at pumanig sa kanya ang batas. Ngunit para sa iyong kaalaman dahil hindi ka pa naman nakakarating doon at hindi mo pa napapasok ang kulungan sa saudi, hindi naman lahat ng nakakulong ay puro kristiyano. Maging mga muslim din na nakagawa ng kasalanan ay ikinukulong din. Karamihan pa nga sa mga nakakulong doon ay muslim.
2. Hindi ko alam kung ilang taon ka na. Pero simula ba nang pumasok ka sa paaralan mula nung bata ka, itinuro ba sa iyo ang relihiyong ISLAM. Sa aking pagsasaliksik tungkol sa ISLAM ito ay relihiyon ng kapayapaan. Kung iyo lamang mababasa ang Qur'an magugulat ka at marami kang malalaman. Kaya hindi mo rin masisisi ang mga kababayan nating OFW na magbalik Islam kahit sa maikling panahon ng pananatili doon.
3. Sinasabi ng iba nating kababayan na kapag ikaw ay muslim, pwede ka nang makapag asawa ng higit sa isa. Oo, tama yon! Pero iyon ay may mga kundisyon para maisagawa. Una, kung ang pangangailangan ng isang lalaki at hindi maibigay ng una nyang asawa at kailangan din na pumayag ang unang asawa nya bago siya makapag-asawang muli. Isa pa, kailangan na maging pantay sa lahat ang iyong unang asawa at pangalawang asawa sa lahat ng bagay. Hindi pinahihintulutan ng Allah ang hindi maging makatarungan at ang hindi maging patas. Halimbawa: Kung nagbigay ka ng pera sa una mong asawa ng P5,000.00 kailangang bigyan mo din ang pangalawa mong asawa ng P5,000.00. Mali ang pananaw ng iba nating kababayan tungkol sa pag-aasawa ng muslim.
3. May mga OFW na talagang sa unang beses pa lang nyang mapag-aralan ang Islam, agad na siyang yumayakap dito. Katulad din ng sa kristiyano ang mga pari, sila ay tinawag upang tupdin at ipangaral ang salita ng Diyos.
Isa pang dagdag na kaalaman para sa iyo. Hindi matatawag na muslim ang isang tao kung hindi nya iginagalang ang lahat ng propeta gaya ni Propeta Abraham hanggang kay Hesukristo. Ito ay isang malaking kalapastanganan sa ngalan ng Islam.
Sana'y may napulot ka sa komento kong ito at maraming salamat. maging bukas sana ang isipan ng lahat ng Pilipino tungkol sa ibat-ibang relihiyon hindi lamang sa kristiyanismo. Magsaliksik at maging mapanuri sana ang bawat isa.



Hindi mo kailangang mamili ng relihiyon ng basta basta, kailangan mo munang maunawaan at maintindihan..Isapuso at itanim sa isip na iisa lang naman ang paniniwalaan mo..At yun ay ang may Lumikha sa atin..Kahit ano pa man ang pangalang itawag o gamitin, ganun padin.. Hanggat may pananalig at pananampalataya sa puso mo..Yun ang mahalaga..
Posted: August 2nd, 2009 | Report This Comment